Bawat isa sa atin may hinahangaang tao o personalidad at sa
kabila ng kanilang paghanga sa mga ito ay ibig sabihan na may mga bagay ang
taong ito na kakaiba at yun ang maaring dahilan kung bakit nila hinahangaan ang
mga taong ito.
Ngunit, ano-ano pa nga ba nag pwede nating gamiting salita
maliban sa salitang “hanga” o “paghanga”. Kung ako ang tatanungin ang salitang
pwedeng gamitin ay “bayani”, at pag sinabe mong bayani ang isang tao meron
itong ginawang makasaysayan o hindi makakalimutang bagay o isang utang na loob.
At pagsinabeng bayani diyan papasok ang nag iisang bayani para sa akin ang
aking “nanay”. Maaring si DR. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani ngunit
para sa akin ang nag iisang bayani lamang sa akin ay ang aking nanay.
Bakit ang nanay ko ang aking bayani? Simple lamang ang sagot
dahil siya ang taong pinoprotektahan ako sa anumang bagay na pwedeng makasama
sa akin. At kung hahambing ko man ang nanay ko kay jose rizal sa pagiging
bayani si jose rizal pinagtangol niya tayo sa mga amerikanong gustong sumakop
sa atin at sa ating bansa sa nanay ko naman mula’t sapul nag taning na ang buhay niya noong
ako’y pinanganganak niya dahil ayon sa kanyang kwento di normal ang aking laki
sa ibang sanggol at dahil normal lamang ang aking nanay noong akoy kanyang
pinapanganak nahirapan siyang ilabas ako.
Ang nanay ko din ang nagturo sa akin
tumayo,maglakad,bumangon kapag nadarapa noong akoy bata pa lamang at sa mga
bagay na itinuro niya sa kain noon ay nadadala ko hanggang ngayon halimbawa na
lamang kapag ako’y may problema di ko dapat takbuhan o pabayaan ang aking
problema ang dapt kong gawin ay solusyunan ito nang buo ang aking loob.
Maraming nanany ngayon ang totoong bayani kabilang na ang ang
mga nanay na nangingibang bansa para lamang mataguyod ang kanilang mga pamilya
at mapag aral ang kanilang mga anak sa mga magagandang paaralan. Tulad na
lamang ng aking nanay kumakayod siya araw-araw para lamang maraos ang aming
pamumuhay. Di man nagkolehiyo ang aking nanay at wala man siyang nakuhang
magandang kurso. Pero para sa akin ang
aking nanay ay isang professional dahil masinop siyang tao, matiyaga at
disip;inadong tao. Pero minsan nahihiya ako sa sarili ko bakit ko nagagawan ng kasalanan ang aking nanay. Di
ko alam kung bakit pero aminin ko man o hindi matindi na ang mga kasalanang
nagawa ko sa nanay ko ngunit hanggang ngayon ay andyan pa rin siya at patuloy
akong minamahal at ang mga kapatid ko. Andiyan ang nanay ko kapag may problema
ako andyan ang nanay ko kapag may kaialangan ako siya ang taong kahit magawan
mo nang kasalan di ka niya gagnatihan ng masama eh gagantihan ka pa niya
nang kabutihan.
May nabasa ako s alibro na nag sabe”kapag pinagalitan ka ng
nanay mo isa lang ang ibig sabihin non mahal ka ng nanay mo. At simula nang
nabasa ko yun ay parang may may pumasok
sa isip ko at yun ang mas mahalin at alagaan ko pa ang nanany ko. At gusto kong
ipakita ko sa nanay ko ngayong mga panahong ito ay gusto kong suklian ang mga
paghihirap na ginagawa niya ngayon kahit sa anong pamamaraan.
Nagpapasalamat ako sa mga nanay sa mundong ito dahil kung di
siguro sa inyo ay di kami o ako magiging hubog na sibilisadong tao. At panagako
ko sa nanay ko na oras na mayaman na ako tutuparin ko ang kanyang mga
kahilingan na pag tumanda na siya gusto niyang tumira sila ni papa sa isang
bukid na sariwa ang hangin na yung tipong sa pag gising nila nag gagawin lang
nila ya nag magpakaen ng mga alagang manok,baboy,bibe at iba pa at yung tipong
magdidilig sila ng mga halaman at mga gulay.
Isang bagay lamang naman ang sinabe ko sa nanay ko eh at yun ang “may awa ang diyos” sabay sabay lamang tayong manampalatay sa kanya at gumawa ng mabuti sa kpawa at tayo’y bibiyayaan din niya balang araw bawat tao may kapalaran at maaaring ang kapalaran ko ay ang maghirap muna bago yumaman.